NOCTILUMEN Nagbigay Liwanag sa ADA 2025

Sa kabila ng mahahabang apprenticeship at paghahanda para sa ALE na kadalasang nagdudulot ng kawalang-katiyakan, naging makabuluhan ang UAPGA Area D Assembly na NOCTILUMEN: Sumisikat na Liwanag ng Pag-asa at Kadakilaan bilang plataporma na nagbigay-liwanag at pag-asa sa mga graduates na ginanap via Zoom, Nobyembre 15-16, 23.

Ang NOCTILUMEN, mula sa Latin na noctis (gabi) at lumina (liwanag) na literal na ibig sabihin ay “ilaw sa dilim,” ay sinasalamin ng konseptwal na tema ng dapithapon at alitaptap, na nagpapahiwatig ng bagong simula at lakas ng sama-samang pagkilos, kung saan ang dapithapon ay simbolo ng bagong araw at posibilidad, at ang alitaptap ay mahinahong liwanag sa dilim, na nagpapaalala na kahit sa kawalang-katiyakan, ang pag-asa ay laging nagniningning.

“The theme itself, sabi nga kanina, reminds us that in every uncertain piece, every graduate carries a light within. A light that can pierce through darkness and guide them towards their dream. This assembly is about lighting each other’s path just as a single candle can brighten a dark room. Your perseverance, experience, curiosity and determination can inspire those around you,” ani ni Jhasper Y. Castro.

Kaakibat ng pangunahing tema na “SOLENYRA: Illuminating Dreams, Rising with Purpose,” ipinapakita ng NOCTILUMEN ang tahimik ngunit matatag na liwanag ng pag-asa na gumagabay sa mga graduates patungo sa kanilang mga pangarap.

“If you allow yourself to be in that situation, that becomes your future,” ayon kay Ar. Pauline P. Velasquez, at isa sa pangunahing tampok ng kaganapan ang FORILUMEN: Forums of Luminous Hope, na naglalaman ng Logbook Filing Seminar at Graduates at Architects Forum, kung saan tinalakay ang mga tunay na suliranin sa apprenticeship, etikal na pamantayan, at paghahanda para sa board exam.

Dagdag pa rito, nagtipon-tipon ang ADA ng mga graduates, mentors, at lider upang palakasin ang samahan, pagbabahagi ng kaalaman, at propesyonal na pag-unlad sa pamamagitan ng mga forum at aktibidad, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na talakayin ang kanilang mga hamon, matuto sa isa’t isa, at palakasin ang pagkakaisa sa Area D.

 “Mas okay na nagkakamali tayo, at least nakikita natin yung mistakes, kesa iniisip natin na okay na ako dito.” Nagbahagi rin siya ng praktikal na payo sa pamamahala ng oras “Use Google Calendar or Notion. Kung pwede nga ipaskil natin lahat sa wall yung schedule para kitang kita natin araw araw,” binigyang diin ni Ar. Erick A. Del Monte ang kahalagahan ng intensyonal na pag-aaral kaysa sa pagiging kampante.

Ipinahayag rin ni Ar. Monte, “For me, the best schedule is between three AM to seven AM. Gigising ako nang maaga at tutulog ako nang maaga,” at pinayuhan din niya ang mga graduates tungkol sa mindset at pagpapahalaga sa sarili, “Your value is not based on performance only. Always think positive. Papasa ako, magta top ako. At least I tried my best,” habang ipinapakita ang kanyang personal na disiplina sa pag-aaral at ipinaliwanag din ang halaga ng komunidad at tamang suporta mula sa UAPGA.

 “Because of UAPGA, na meet ko yung mga different suppliers and clients. Mas na build yung confidence ko, especially sa public speaking, and nagagamit ko siya ngayon sa work ko […] Lumapit tayo at mag seek ng help. Find your support system sa UAPGA friends and mentors,” Ani rin ni Ar. Monte.

Nagtapos ang forum sa makapangyarihang paalala ni Ar. Monte na, “Board exam plus apprenticeship is the foundation of your career. Stay ethical. Stay hungry to learn. Always. And support each other. UAPGA has your back.”

Kasabay ng mga learning sessions, isinaayos ang VIRIDIS: Area D Online Team Building, isang aktibidad na nagpalakas ng samahan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan, friendly competition, at sama-samang karanasan, na tulad ng pangalan nito na sumisimbolo sa sigla at pag-usbong, ay pinagtibay ang komunikasyon, pagkakaisa, at morale sa buong Area D.Higit pa sa isang kaganapan, ang NOCTILUMEN ay sumasalamin sa paglalakbay ng bawat graduate, tinatanggap ang dilim ng kawalang-katiyakan habang pinatitibay na ang liwanag, kapag ibinahagi, ay lumalakas, at habang patuloy na humahakbang ang Area D patungo sa ADA 2025, ang sumisikat na liwanag ng pag-asa at kadakilaan ay nagbibigay-ilaw sa mga pangarap, nagpapalakas ng layunin, at pinagbubuklod ang komunidad.