Upang bigyang-inspirasyon at palakasin ang mga kabataang arkitekto, ginanap ang makabuluhang pagtitipon na “AURA: Minds Aligned, Hearts Aflame” sa Area A Assembly (AAA) sa pamamagitan ng webinar, Nobyembre 13.
Nagsama-sama ang mga chapter president, iba pang opisyal ng organisasyon, at mga miyembro ng United Architects of the Philippines Graduate Auxiliary (UAPGA) Area A para sa isang araw ng pagkatuto, inspirasyon, at motibasyon, na binuksan ni Mr. Jhasper Castro, National Executive Director for Congress and Assemblies, sa pamamagitan ng magagalak na pananalita na malinaw ang layuning maglingkod at magbigay-inspirasyon sa mga dumalo.
“When a leader rises, a chapter rises. When a chapter rises, the organization rises,” ani ni Architect Bremen Tomani, Area A Adviser, sa kanyang pahayag na sinundan ng pagbabahagi ng mga chapters ng kanilang mga plano para sa taon, na nagpo-promote ng kolaborasyon at aktibong partisipasyon para sa kanilang mga future na miyembro.
Ang ikalawang bahagi ng programa, na ginanap noong hapon, ay binuksan ni UAPGA National President Emmanuel Joshua P. Deluna, na nagbahagi ng kanyang karanasan sa paglilingkod at sa mahalagang papel ng mga kabataang arkitekto sa kinabukasan ng propesyon at ipinakilala ang Panel Talk Series tungkol sa mahahalagang tema ng arkitektura.
“The board exam is not the end game; the end game is the actual practice,” ani ni Ar. King Nixon C. Mabanta, ikauna sa ALE 2025 at ikalawa sa MPLE 2023, sa presentasyong “DAE OR DIE: WHY APPRENTICESHIP MATTERS” sa Panel Talk Series, kung saan ipinaliwanag niya kung paano nagiging magkatuwang ang konstruksyon at kung paano ito sumasalamin sa ugnayan ng buhay at kamatayan, at binigyang-diin na kahit hindi pa lisensyado, dapat nang isabuhay at seryosohin ang propesyon.
Sumunod si Ar. Edwina Rose Mahilium, ikapito sa ALE kabuuan at ikalima sa SPLE Dubai, Outstanding NEUST Alumni Awardee,na nagbahagi tungkol sa Logbook Filing Seminar, kabilang ang 3,840 oras na kinakailangan sa propesyon, mga dokumentong dapat isumite, karaniwang pagkakamali, at kahalagahan ng karanasan, at dagdag pa niya, bilang suporta sa mensahe ng naunang speaker, na “The biggest risk is never taking the risk.”
“Building your identity starts within you,” paalala ni Ar. Noriel Estipular, na nagsanay sa Palafox at ASEA Design, nagturo sa CIT Manila, Adamson University, at National University, at dalawang beses na NCCA Dangal Awardee, sa presentasyong “Architect of Self: Identity and Growth,” kung saan tinalakay niya ang hamon sa pagiging malikhain at ang balanse sa trabaho at buhay, at ipinunto rin na dapat magsimula na ang mga bagong nagtapos sa paninindigan ng kanilang sariling prinsipyo at sa pag-angat ng sariling disenyo.
Nagtapos ang programa sa linyang, “The higher the risk, the higher the reward,” habang taos-pusong nagpapasalamat ang mga tagapag-anyaya sa lahat ng dumalo at mga tagapagsalita sa kanilang makabuluhang sesyon, pagbabahagi ng karanasan, at pagbibigay-inspirasyon upang patuloy na itaguyod ang kahusayan sa larangan ng arkitektura.